Pagkumpleto ng China sa mga pasilidad sa Scarborough Shoal ‘game over’ na sa Pilipinas

“Game over” na sa Pilipinas oras na makumpleto na ng China ang itinatayo nitong pasilidad sa Scarborough Shoal.

Ayon kay Supreme Court (SC) Senior Associate Justice Antonio Carpio, magkakaroon na ng full control ang China sa South China Sea kapag natapos na nito ang pagtatayo ng air at naval bases sa Scarborough.

Ang Scarborough Shoal ay nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Pero ani Carpio, malaking bagay ang military facilities sa nine-dash claim ng China para angkining bahagi ng kanilang teritoryo ang Scarborough.

Hinikayat naman ni Carpio ang administrasyon na gayahin ang Vietnam sa pakikipag-ugnayan sa China.

Aniya, nananatiling maganda ang relasyon ng dalawang bansa kahit na ipinaglalaban ng Vietnam ang bahagi ng kanilang maritime zone na inaangkin ng China.

Speak Your Mind

*