Paglalagay ng subdivision stiker sa sasakyan, hindi nire-require ng LTO

Nilinaw ng Land Transportation Office o LTO Lingayen District Office na hindi nire-require paglalagay ng decals o stiker ng anumang subdivision sa windshield ng sasakyan.

Ito ang inihayag ni Engr. Eric Suriben, LTO Chief ng Lingayen District Office sa panayam ng sonshine radio kaugnay sa mga patakaran ay sakop ng Anti-Distracted Driving Act.

Sinabi pa ni Suriben na ang paglalagay ng subdivision stiker sa sasakyan ay ginawa lamang ng kanilang subdivision, kayat dapat nilang pag-usapan kung saan dapat ito ilagay.

 

Hindi naman umano kasama sa ipinagbabawal ng batas ang “rear view mirror” dahil hindi ito nakaka-distract sa driver.

 

Ang tinig ni Engr. Eric Suriben, LTO Chief ng Lingayen district Office sa panayam ng DZRD Sonshine Radio

Speak Your Mind

*