Paglipat ng ilang LP members sa PDP-Laban may basbas ni Robredo

May basbas ni Vice President Leni Robredo ang paglipat ng ilang kasapi ng Liberal Party (LP) sa partido ni Pangulong Rodrigo Duterte na PDP-Laban.

Ayon kay Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte, may basbas ng amang si QC 4th District Rep. Sonny Belmonte at QC 3rd District Rep. Bolet Banal ang paglipat niya sa PDP-Laban.

May basbas din aniya si Vice President Leni Robredo sa kanyang naging desisyon.

Si Belmonte ang isa sa mga masugid na sumuporta sa electoral campaign ni Robredo noong nakaraang taon.

Kabilang siya sa mga kasapi ng LP na tumalon at nanumpa sa PDP-Laban nitong Miyerkules.

Speak Your Mind

*