Pagpapadala ng OFWs sa ME planong limitahan ng DOLE

Balak ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na limitahan ang pagpapadala ng OFWs sa Middle East (ME).

Maliban sa mga insidente ng pang-aabuso sa OFWs ay nagkukulang na rin umano ang mga manggagawa sa bansa.

Sa datos ng DOLE-Bureau of Local Employment, 170,000 construction workers ang kailangan ng Pilipinas kada- taon pero kalahati lamang nito ang napupunan dahil marami ang nag-a-abroad.

Kinakailangan naman umano ang mas maraming manggagawa ngayon sa bansa dahil sa naglalakihang infrastructure projects na balak itayo ng pamahaalan.

Speak Your Mind

*