Pagpasok ng rainy session, maagang pinaghandaan ng PDRRMO

Pinaghahandaan na ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office o PDRRMO Pangasinan ang pagpasok ng rainy session o panahon ng tag-ulan.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Avinex Arenas, Spokesperson ng PDRRMO na ito’y kahit nagpapatuloy pa ang implementasyon ng “oplan sumvac” na magtatapos sa June 5 o mismong araw ng pasukan.

Ayon kay Arenas, dumaan narin ang ilang miyembro ng PDRRMO sa WASAR training, pag-oparates ng rubber boat at safe water and life guard saving.

Patuloy din naman aniya ang monitoring ng PDRRMO sa baybaying dagat ng lalawigan dahil sa rip current na posibleng maging dalihan ng pagkalunod ng mga beach goers.

—-

PDRRMO, hindi nagkukulang sa paalala na ‘wag pumalaot kung may gale warning

Nanindigan ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Office o PDRRMO na hindi sila nagkukulang ng paalala sa publiko hinggil sa gale warning.

Ayon kay Avinex Arenas, Training at Information Officer ng PDRRMO, kapag may nakataas ng storm signal at gale warning ay hindi dapat pinapayagan ang mga mangingisda na pumalaot.

Upang matiyak ang kaligtaasan ng mga mangingisda, ipinapayo ng PDRRMO ang pagkakaroon ng sariling radyo transistor ang lahat ng mga mangingisda upang madali nilang mamonitor kung may bagyo.

Nabatid na ang Scarborough Shoal o Panatag Shoal malapit sa bahagi Bajo De Masinloc, Zambales ang malimit daungan ng mga mangingisda kung aabutin silang mga sama ng panahon sa karagatan.

Speak Your Mind

*