Pagpatay sa piskal sa Caloocan pinaiimbestigahan na

Pinaiimbestigahan na ng Department of Justice (DOJ) sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pagpatay sa isang piskal sa 9th Avenue, Caloocan City.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, inatasan na niya ang NBI para magtungo sa pinangyarihan ng pananambang kay Prosecutor Diosdado Azarcon.

Inaalam na rin ng DOJ kung may mga kontrobersiyal na kasong hinawakan ang biktima.

Sinasabing malapitang binaril ang biktima ng mga nakamotorsiklong suspek na nagtamo ng tatlong tama ng bala sa ulo at balikat.

Maliban sa NBI, nagsasagawa rin ng sariling imbestigasyon ang Manila Police District (MPD) sa insidente.

Speak Your Mind

*