Pagsisimula ng klase sa darating na June 5, tuloy na tuloy na – DepEd

Nanindigan ang Department of Education o Deped Region 1 na hindi na mababago ang petsa ng pasukan na magsisimula sa darating ng Hunyo a-singko ngayong taon.

Ito’y ayon kay Darius Nieto, Project Development Officer IV at Information offiCer ng DepEd-Region 1 maliban na lamang aniya kung maglalabas ng bagong Circular Order ang DepEd o Office of the President.

Sinabi pa ni Darius na bukas naman ang DepEd sa pagpapalit ng petsa sa pagbubukas ng klase dahil sa aspeto ng climate change o mahabang panahon ng tag-ulan.

Dapat lang aniya ay magkaroon o pagpasa ng bagong batas sa pamamagitan ng Kongreso para sa pagbabago ng school year na posibleng isagawa sa buwan ng Agosto o Setyembre.

Speak Your Mind

*