Pagtaas ng personal remittances ng OFWs ikinatuwa ng Malakanyang

Masayang ibinalita ng Malakanyang na tumaas sa 11.8 percent ang personal remittances ng overseas Filipino workers (OFWs) sa unang quarter ng taon.

    Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang mataas na remittances ay nagpalago sa year-on-year growth ng 11.8 percent personal remittances na nagkakahalaga ng 2.9 billion dollars noong Marso 2017.

    Katumbas ito ng 8.1 percent sa total remittance sa first qauter ng 2017 na nagkakahalaga ng 7.7 billion pesos.

    Nagpasalamat naman ang palasyo sa OFWs sa tulong na naibigay ng mga ito sa bansa at tiniyak ni Abella na susuklian ng administrasyon ang sakripisyo ng mga Pinoy sa ibayong-dagat.

Speak Your Mind

*