Pagtalakay Sa Impeachment Vs Duterte Matatapos Bago Ang Recess Ng Kongreso Sa Hunyo

Tiniyak ng Kamara na agad nilang tatapusin ang pagtalakay sa impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni House Justice Committee Chairman Reynaldo Umali na kakayanin nilang tapusin ang deliberasyon sa impeachment complaint laban kay Duterte bago ang nakatakdang recess break ng Kongreso sa Hunyo 3.

Umaasa si Umali na sa susunod na linggo ay nai-refer na ni Speaker Pantaleon Alvarez sa kanyang komite ang impeachment complaint at supplemental complaint na inihain ni Magdalo Party-list Representative Gary Alejano.

Ayon kay Umali, mabilis daw nilang aaksiyonan ito gayong kilala naman ang kanyang komite sa agarang aksiyon sa mga trabaho nito.

Speak Your Mind

*