Pahayag Ni Duterte Na Paookupahan Sa Mga Mamamayan Ang Oligarchs Property, Babala Lang — Malacañang

Nilinaw ng Malacañang na nagbabala lamang si Pangulong Rodrigo Duterte na paookupahan sa mga mamamayan ang lupain ng oligarchs.

Magugunitang inihayag ni Duterte sa Davao City na kanyang ipate-takeover sa mahihirap ang ari-arian ng mayayamang negosyante, kung hindi makababayad ng tamang buwis sa loob ng tatlong buwan.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, hindi ito polisiya ng gobyerno, kundi mensahe lamang ng seryosong paniningil sa mga nagkakautang o nagkasala sa gobyerno.

Tiniyak din ni Abella na susunod si Pangulong Duterte sa mga kaukulang proseso tulad ng sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Speak Your Mind

*