Palarong Pambansa Medalist, Prayoridad Sa Pangasinan Sports Academy

 

Isinusulong ngayon ng Provincial Government ng Pangasinan na maging bahagi ang mga Palarong Pambansa Medalist sa Pangasinan Sports Academy ng probinsya.

Ayon kay Governor Amado “pogi” Espino III ang lahat ng atleta na patuloy na nag-e-excel sa palarong pambansa at sa iba pang kompetisyon ay marapat lang na sila ang prayoridad sa Sports Program ng Pangasinan.

Sinabi ni Governor Espino na sa pamamahala ng Pangasinan Sports Development and Management Council (PSDMC) isusulong na lahat ng mga atleta ay isasailalim sa intense in-house training.

Dagdag pa ni Espino na mahalaga rin sa naturang programa ang commitment ng mga magulang sa kanilang mga anak na atleta.

 

Ang tinig ni Governor Amado “pogi” Espino III sa ginanap na incentive awarding na ginanap sa Urduja House Capitol, Lingayen Pangasinan.

 

 

Speak Your Mind

*