Palasyo, tiwalang payapang mareresolba ang sea dispute

Tiniyak ng Malakanyang na hindi bibitawan ng Pilipinas ang claim at sovereign rights sa mga inaangking teritoryo sa South China Sea sa kabila nang hindi pagkasa sa bantang giyera ng China.

    Una nang binatikos ng ilang kritiko ang kawalan umano ng aksiyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bantang giyera ni Chinese President Xi Jinping na maaari naman daw idulog sa United Nations (UN) Tribunal.

    Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang una at huling prayoridad ni Pangulong Duterte ay national interest at kapakanan ng mga Pilipino.

    Tiniyak ni Abella na maging ang China ay committed din sa payapang resolusyon ng hidwaan.

    Aniya, patunay rito ang katatapos na ‘bilateral consultation mechanism’ na isang platform para sa confidence-building measures kaugnay ng sea dispute.

Speak Your Mind

*