Pangasinan, number one producer naman ng talong, mangga, at bangus sa bansa

Nananatiling “food basket” ang lalawigan ng Pangasinan sa buong rehiyong uno.

Ito ay bahagi sa Governors Report ni Governor Amado “Pogi” Espino III sa kanyang State of the Province Address (SOPA) na isinagawa sa Capitol Plaza, Lingayen.

Ayon kay Espino, sa kasalukuyan sa Pangasinan nanggagaling ang aninnaput dalawang porsyento ng aning palay ng rehiyon, animnaput limang porsyento sa mais, walumpot dalawang porsyento ng talong, pitumpot walong porsyento ng mangga at walumpot anim na prosyento ng isda.

Naitala rin ng lalawigan ang number one producer ng talong, mangga, at bangus sa buong bansa, pang-apat sa tilapia, pangatlo sa palay at ika-pto naman sa produksyon ng mais.

Mas maganda na umano ang kita ang mga magsasaka patunay rito ang nasaksihan sa katatapos lang na First Pangasinan Umaani Expo.

 

Umaasa naman ang probinsya na mas lalo pang-aangat ang kita ng mga magsasaka kung tuluyan nang iiwan ang traditional agriculture at lilipat na sa Agro-Industrial Enterprise Development.

Speak Your Mind

*