Pangasinan PNP, nakataas sa “red alert status” dahil Martial Law sa Mindanao

Nakataas ngayon sa “red alert status” ang lalawigan ng Pangasinan matapos ang idineklarang martial law ni Pangulong Duterte sa buong Mindanao.

Ibig sabihin, lahat ng mga PNP Personell ay kinakailangan magreport, magsagawa ng check point, police visibility sa mga public places at pagkansela ng nauna nang approval para sa vacation leave

Ayon kay Police Chief Inspector (PCI) Norman Florentino, hepe ng Police Community Relations ng PPPO, mahigpit ding babantayan ang mga hangganang lugar ng Pangasinan kabilan na ang La Union, Tarlac, Nueva Ecija, Benguet at Zambales

 

 

Kasama rin aniya upang mabantayan ang mga boundary ng lalawigan ang pagsasagawa ng preventivepatrol at major operation.

 

Wala pa naman umano namomonitor ang pangasinan pnp sa mga kapatid nating Muslim na symphasizer ng Maute Groups na kasalukuyang naghahasik ng kaguluhan sa Mindanao.

Speak Your Mind

*