Panukalang magpapalawig sa validity ng pasaporte lusot sa second reading sa Senado

Lusot na sa ikalawang pagbasa sa Senado ang panukalang batas na magpapalawig sa validity ng mga pasaporte hanggang sa sampung taon.

Layon ng naturang panukala na mas pabilisin pa ang pagpoproseso sa mga pasaporte para mabawasan ang mahabang pila sa mga consular office ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Tiniyak naman ng Senate Committee on Foreign Relations na maisasabatas ang panukala bilang bahagi ng pagbabagong nais ipatupad ng Duterte Administration.

print

Speak Your Mind

*