Pasahe sa jeep posible umanong pumalo sa P12 kapag natuloy ang jeepney phase-out

Nagbabala ang transport groups na posibleng tumaas sa dose pesos ang pamasahe sa jeep kapag itinuloy ng gobyerno ang planong i-phase out ang mga lumang jeep.

    Ayon kay PISTON National President George San Mateo, di-malayong payagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magtaas ng pamasahe hanggang dose pesos ang mga operator na kukuha ng mamahaling electric jeepney kapalit ng lumang jeepney units. 

    Samantala, handa na ang PISTON at Stop and Go Coalition para sa kanilang protest caravan ngayong araw sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.

    Nasa sanlibong jeepney operators at drivers naman umano ang inaasahang makikilahok sa protesta.

Speak Your Mind

*