Patay sa ‘war on drugs’ nadagdagan pa

Umabot na sa dalawandaan at pitumpu’t isa ang bilang ng mga napapatay sa kampanya kontra- droga.

Batay ito sa datos ng Philippine National Police (PNP) mula Marso 1 hanggang Mayo 9.

Umakyat naman sa halos labing-anim na libo ang naaresto na sangkot sa iligal na droga.

Nanguna ang Region 3 at National Capital Region (NCR) sa may pinakamaraming naitalang nasawi sa kampanya ng PNP.

Samantalang NCR din ang nanguna sa pinakamaraming naarestong gumagamit o nagtutulak ng droga.

Speak Your Mind

*