PDAF scam reinvestigation aprub kay Duterte

Ipinauubaya na ng Malacañang sa mga mambabatas ang muling pagbubukas ng imbestigasyon sa pork barrel scam.

Sa statement ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, prerogative ng mga mambabatas ang muling pag-iimbestiga.

Sa katunayan, ani Abella ay hayagan namang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na gusto itong paimbestigahan ng pangulo.

Nais aniya ni Duterte na lumabas ang katotohanan at mapanagot ang lahat anuman ang partidong kinaaaniban ng mga ito.

Dapat din umanong malaman ng publiko ang totoo at hindi ang aniya’y ‘slanted o doctored truth.’

Speak Your Mind

*