PDRRMO Satellite Offices, nakatakdang itayo sa Eastern at Western Pangasinan

Mas lalo pang pinaigting ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan ang mga hakbang upang mas lalo pang mapaghandaan ang pagtugon sa mga sakuna.

Ito’y sa pamamagitan ng Provincial Risk Reduction and Management Office o PDRRMO kung saan ayon kay Governor Amado “Pogi” Espino Iii ang PDRRMO ay naimbitahang ibahagi ang kanilang DRRM best proctices sa isang International Workshop na “Ultemate 2016”.

Pinalakas rin aniya ang mga community disas-volunteers kagaya ng Deltacom, Reaction 166, Kabalikat at Cops-Rescue, Bikers Groups na tutulong sa pagtugon sa mga emergencies.

Bukod pa rito ang inilunsad na “Ligtas at Aktibong Pamayanan” na himihikayat sa mga barangay na gumawa, magsanay at isakatuparan ang kanilang action plan, rescue operation at evacuation plan.

 

Nakatakda naman umanong magtatag ang probinsya ng dalawang pdrrmo Satellite Offices, isa sa Eastern Pangasinan at isa sa Western Pangasinan upang mas mapabilis pa ang coordination sa panahon ng kalamidad.

Speak Your Mind

*