Peace in order situation sa bayan ng Villasis, tiniyak

Tiniyak ng Philippine National Police o PNP na nanatili ang peace in order sa bayan ng Villasis, Pangasinan taliwas sa nararanasan ngayong kaguluhan sa Mindanao kung saan umiiral ang martial law.

Matatandaan na inihayag ni Pangulong Duterte na mapipilitan siyang ideklara ang martial maging sa Visayas at Luzon kung mararanasan na ang presinsya ng mga makakaliwang grupo.

Sa panayam ng DZRD sonshine Radio sinabi ni Police Senior Inspector (PSI) Rodrigo Lubiano Jr., Deputy chief of Police (DCOP) ng bayan ng Villasis na may tatlong buwan ng walang naitatalang anumang insidente ng karahasan.

 

Sa ngayon, nananatili naman aniya sa full alert status ang buong Pangasinan PNP kung saan mas pinaigting ang kanilang police visibility at police presence.

Speak Your Mind

*