Peace talks sa pagitan ng CPP, GPH nanganganib dahil sa pagdami ng mga sundalo sa Gabinete

Nababahala ang militanteng grupo na baka magkaroon ng negatibong epekto sa peace talks ang anila’y militarisasyon sa Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasunod ito ng pagtatalaga ng pangulo sa mga sundalo sa loob ng gobyerno gaya nina dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Roy Cimatu sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ni AFP Chief General Eduardo Año sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ayon kay Bayan Secretary-General Renato Reyes, mas magiging mahirap ang negosasyon para sa kapayapaan sa pagitan ng gobyerno at mga komunista ngayong mga sundalo ang nakapuwesto sa Gabinete.

Maliban pa kina Cimatu at Año, nagmula rin sa hanay ng militar sina Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana at National Irrigation Administrator (NIA) Ricardo Visaya.

Speak Your Mind

*