Phl-China, bilateral talks target maiwasan ang ‘standoff’ sa WPS

Nakatakdang isagawa sa Mayo 19 ang bilateral consultative meeting sa pagitan ng Pilipinas at China sa Guiyang City, Guizhou, China.

Kabilang sa pag-uusapan ang mga isyung may kinalaman sa South China Sea o West Philippine Sea (WPS).

Kakatawan sa pag-uusap si Philippine Ambassador to China Jose Santiago “Chito” Sta. Romana, gayundin ang bagong Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Alan Peter Cayetano at  Foreign Affairs Undersecretary Enrique Manalo.

Sa panig ng Beijing, haharap sa Philippine side ang vice foreign minister ng China at iba pa.

Layon ng dayalogong maiwasan ang standoff sa pinag-aagawang mga isla ng dalawang bansa.

Speak Your Mind

*