PHO, pinag-iingat ang mga Pangasinense sa sakit na HIV/AIDS

Pinag-iingat ng Provincial Health Office (PHO) ang mga Pangasinense sa sakit na HIV/AIDS matapos naitala ang mataas na kaso nito sa lalawigan ng Pangasinan.

Nabatid na ang Human Immunodeficiency Virus (HIV) ay isang virus na nakukuha sa pakikipagtalik at pinapahina ang natural na depensa ng katawan, at kapag nakapitan na ng ibat-ibang impeksyon ang katawan, ito ay magiging Acquired Immune Deficiency Syndrome o IDS.

Ayon kay Joan Paz Melendrez, HIV/AIDS Program Coordinator ng PHO, isa sa itinuturong dahilan ng pagkahawa sa sakit na HIV/AIDS ay ang pagkakaroon ng risky behavior, at pagkakaroon ng maraming sexual partner.

Maisasalin din umano ang HIV/AIDS sa pamamagitan na pagsasalin ng dugo, pang-hihiram ng mga gamit na heringgilya o karayom, at sa gatas ng ina na positibo sa hiv.

Para naman aniya maiwasan ang pagkakaroon ng HIV/AIDS, dapat gawin ang mga susunod na hakbang gaya ng A, abstain from sex, B, be monogamous, C, correct and consistent use of condom, D, do not inject drug, E, education at ang letter F ay follow-up.

Speak Your Mind

*