Pinaka-mababang unemployment rate, naitala ng Pangasinan sa taong 2016

Naitala ang pinaka-mababang unemployment rate na 5.4 percent sa lalawigan ng Pangasinan noong taong 2016 mula sa dating datos na 8.2 percent noong 2015.

Ito ay bahagi sa Governors Report ni Governor Amado “Pogi” Espino III sa kanyang State of the Province Address (SOPA) na isinagawa ngayong araw sa Capitol Plaza, Lingayen.

Ayon kay Espino, malaking bahagi rito ay ang patuloy na isinasagawang Provincial Jobs Placement Assistance Program kung saan aabot tatlong libo ang mabigyan ng trabaho sa Pilipinas at ibang bansa mula Hulyo 2016 hanggang Abril 2017.

Mabigyan din umano  ng “on the spot hiring” ang mahigit sa dalawandaang aplikante sa isinagawang jobs fair kasabaya sa pagdiriwang ng Pistay Dayat at Labor Day.

 

Samantala, malapit narin umanong mailunsad ang isang online jobs portal katuwang ang isang pribadong kumpanya, upang mas mapabilis at mapalawk ang paghahanap ng trabaho lalo na ang mga fresh graduates.

Speak Your Mind

*