Planong Pagsilip Sa SALN Ni Robredo, ‘Fishing Expedition’ — Hernandez

Tinawag ng kampo ni Vice President Leni Robredo na isang uri ng ‘fishing expedition’ ang planong pagpapasilip ng grupo ni Atty. Bruce Rivera sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng bise presidente.

Ayon kay Georgina Hernandez, tagapagalita ni Robredo, naghahanap lamang ng ebidensiya ang grupo ni Rivera para mas matibay ang kanilang impeachment complaint laban sa pangalawang pangulo.

Ayon pa kay Hernandez, iresponsable ang pagsasampa ng kaso laban kay Robredo dahil wala namang basehan ang mga reklamo.

Binigyang-diin ni Hernandez na tanging crowd sourcing ang ginagawa ng mga kalaban ng bise presidente para mapabagsak ito.

Nag-ugat ang impeachment complaint sa pagpapadala ni Robredo ng video message sa United Nations Commission on Narcotic Drugs, na binigyan lamang nito ng boses ang mga problema at hinaing ng mga Pilipino.

Speak Your Mind

*