Power interruption, hindi aniya naiiwasan kung nagkakaroon ng maintenance work sa ilang linya ng kuryente.

Aminado ang Central Pangasinan Electric Cooperative Inc, na hindi maiiwasan ang power interruption lalo na kung nagsasagawa ng maintenance sa ilang linya ng kuryente ang national grid corporation of the Philippines.

Ngunit iginiit ni Engr. Rodrigo Corpuz, general manager ng cenpelco sa ginanap na kbp-forum na kung mayroon mang schedule power interruption ay nagkakaroon sila ng massive information dissemination sa lahat ng kanilang consumer.

Kagaya na lang umano ng mga isinagawang maintenance work ng NCGP, awtomatikong na maraming bayan ang mawawalan ng suplay ng kuryente.

Nilinaw naman ni CORPUz na kung mayroon mang biglaang power interruption, ito ay bunga ng hindi maiiwasang pagkakataon dulot ng epekto ng panahon gaya ng pagtama ng ipo-ipo.

Speak Your Mind

*