PRC-Pangasinan chapter, nakiisa sa isinasagawang Brigada Eskuwela

 

Nakiisa rin ang Philippine Red Cross (PRC) Pangasinan chapter sa isinagawang brigada eskuwela sa barangay Lomboy Elementary School sa Lungsod ng Dagupan.

Kasabay nito, magbigay din ang Redcross ng electric fan, walis at iba pang mga cleaning material.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Raymund Prodon Lim, Blood Donor Recruitment Officer ng PRC-Pangasinan Chapter,bukod sa blood donation bahagi rin sa adbokasiya ng Redcross sa pakikiisa sa brigada eskuwela.

Pangunahing layunin umano ng pakikiisa ng Redcross sa Brigada Eskwela ay upang i-promote ang kalinisan sa paaalan para maiwasan ang pagdami ng lamok na nagdadala ng sakit ng dengue.

 

Sinabi pa ni Lim na ngayong Brigada Eskuwela 2017 naka-focus ang Redcross lahat ng paaralan sa Dagupan, kung saan nasa walumpong paaralan na sa Pangasinan ang natulungan ng naturang program

 

Speak Your Mind

*