Presyo ng passport na may 10-year validity dodoblehin

Pahahabain na sa sampung taon ang bisa ng mga pasaporte pero mas mahal na rin ang bayad para sa pagkuha nito.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, Magkakahalaga ang bagong pasaporte ng P1,900 hanggang P2,000 o doble ng kasalukuyang presyo na P950 para sa pasaporte na may lamang limang taong bisa.

Paliwanag ni DFA Office of Consular Affairs Passport Director Ricarte Abejuela, bibili sila nang mas mahal na materyales para sa passport para tumagal ito nang sampung taon.

Dadagdagan din ang bilang ng mga pahina nito.

Sinabi naman ni Abejuela na pasisimplehin na lamang nila ang requirements sa pagkuha ng passport at hindi na manghihingi ng sangkatutak na dokumento.

Speak Your Mind

*