Programa ng Tesda para sa mga Drug Surrenderies, Nagpapatuloy

 

Tuloy-tuloy ang isinasagawang skills training ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa mga drug surrenderies sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Modesto Velasquez, supervising specialist ng Tesda-Pangasinan, na noong nakaraang taon ay sinimulan na ang training sa mga drug surrendies katuwang ang ilang lokal na pamahalaan ng lalawigan.

Sa katunayan dito ang tatlumpong nagtapos ng transport refrigeration and air condition system sa bayan ng Laoac, at 23 graduate sa kursong shielded metal arc welding ncii sa lungsod ng San Carlos.

Ayon pa kay Velasquez na ang naturang programa ay nakapaloob sa community base training program ng TESDA kung saan ang mga materyales ay sagot ng Local Government Unit (LGU’s).

 

Bukod dito, uumpisahan narin umano ang isasagawang training sa mga inmates ng BJMP-Dagupan na electrical installation and maintenance kung saan ang lahat ng gagamiting materyales ay dadalhin ng TESDA sa loob ng BJMP

 

Speak Your Mind

*