Protest caravan ng PISTON tuloy ngayong araw

Tuloy na tuloy na ang ilulunsad na nationwide protest caravan ng grupong PISTON ngayong araw.

    Ayon kay PISTON Secretary General George San Mateo,  isasagawa ang protest caravan sa Metro Manila, kasama na ang mga lalawigan ng Cagayan, Lucena,  Laguna, Albay, Bacolod, Cebu, Dumaguete, Iloilo, Capiz, Davao, General Santos, Butuan at Cagayan de Oro.

    Nilinaw ni San Mateo na hindi layunin ng kilos-protesta na magkaroon ng paralisasyon sa transportasyon.

    Nais daw ng PISTON na magkaroon nang mapayapang pagkilos sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Department of Transportation (DOTr), kung kaya ang porma ng pagkilos nila ay protest caravan at walang transport strike.

    Mahigpit na tinututulan ng PISTON ang planong pagpe-phase out ng gobyerno sa mga lumang public utility vehicles.

    Magtitipon muna ang transport group sa Metro Manila sa Quezon City Circle bago sila pumunta sa head office ng LTFRB at DOTR.

 

Speak Your Mind

*