Public Library ng Dagupan, tiniyak na handa na sa pagbubukas ng klase

Tiniyak ng Public Library & Information Center ng lungsod ng Dagupan na sapat ang kanilang libro para sa pangangailangan ng mga estudyante na papasok ngayong pasukan.

Ayon kay Rufina Meneses, Dagupan City Librarian, kumpleto at updated ang mga libro sa City Library bukod pa sa kanilang 24 set ng computer na lebring magagamit ng mga estudyante.

Bukas din aniya ang City Library, Lunes hanggang Sabado, alas-otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon at walang lunch break.

Ganundin, nagpapatuloy din aniya ang kanilang Mobile Library kung saan tuloy-tuloy ang pag-ikot sa mga barangay partikular na sa mga Day Care Center.

 

Kabilang aniya sa serbisyo ibinibigay ng Balon Dagupan Mobile Library ng storytelling at pag-enganyo sa mga bata ang pagbabasa ng libro.

Speak Your Mind

*