Public Service Bill ok na sa House

Nakapasa na sa House Committee on Economic Affairs ang substitute sa House Bill 446 ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda na aamyenda sa ‘statutory definitions’ ng public service at public utility, sa ilalim ng 80-taong Philippine Public Service Act o Commonwealth Act No. 146.

Sinabi ni Salceda na ang nasabing panukalang batas ay napakahalaga dahil babasagin nito ang mga monopoly at mapadadali ang pagpasok ng 100% na pamumuhunan sa mga industriya ng telecoms, transport at enerhiya sa bansa.

Sa ilalim ng panukalang batas, itinatalaga ring huwag lalampas sa 12% ang dapat kita sa pagpapatakbo ng public services at public utilities gaya ng mga naging pahayag na ng husgado.

Ang naturang mga pagbabago, ayon kay Salceda ay magpapababa sa presyo ng kuryente, tubig at iba pang mga pampublikong paglilingkod at magpapasulong sa tunay na kompetisyon at pambansang kagalingan.

Kasama sa panukalang amyenda ang paglipat ng mga tungkulin ng public service commission sa mga akmang ahensiya.

Kabilang dito ang Department of Transportation (DOTr), Aviation Authority of the Philippines, Philippine Ports Authority (PPA), Maritime Industry Authority, Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of Energy (DOE), National Water Resources Board (NWRB), Local Water Utilities Administration  (LWUA) at iba pa.

Speak Your Mind

*