Qualification sa pagpapatupad ng SGLG, mas pinataas ngayong taon

Mas pinataas ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang standard o qualification sa pagpapatupad ng Seal of Good Local Governance (SGLG).

Ito ang inihayag ni Marilyn Laguipo, Local Government Operations Officers II (LGOO) sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kung saan noong taong 2016 ang ipinatupad na critiria priciples ay 3 plus 1, ngayong taong 2017 ay ginawa na itong 4 plus 1 at 3 assentials areas.

Sinabi ni Laguipo na para makuha ang naturang Seal of Good Local Governance Award ay kailangang maipasa ang apat na “core areas” plus one.

Kabilang na dito ang financial administration, disaster preparedness, social protection, at peace in order habang kailangan din maipasa ang isa sa tatlong assentials areas tulad ng business friendliness and competitiveness, invironmental management at ang local tourism and arts.

Ayon pa kay Laguipo, ngayong taon ay magbibigay ng natatanging award sa mga nakapasa o nakakuha ng SGLG Award sa tatlong magkakasunod na taon.

Kabilang sa mga lungsod at munisipalidad ang nanatili sa listahan mula noong 2015 at 2016 sa nakatanggap ng award ang Dagupan, Alcala, Laoac, Bayambang, at Sta. Maria.

Speak Your Mind

*