Reclamation activities ng China sa WPS may ‘green light’ ni Duterte

Binigyan umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ng ‘green light’ ang China para ituloy ang reclamation activities sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Supreme Court (SC) Associate Justice Antonio Carpio, ang hindi pagbanggit ni Duterte bilang chairman sa ASEAN Summit sa reclamation o militarisasyon sa WPS ay pagbibigay ng ‘go signal’ sa China.

Sinabi pa ni Carpio na taliwas ang 2017 chairman statement ni Duterte sa nakaraang chairman statement sa Cambodia.

Una nang sinabi ni Carpio na ‘game over’ para sa Pilipinas oras na makumpleto na ng China ang itinatayo nitong mga pasilidad sa WPS.

Speak Your Mind

*