Red Cross–Pangasinan Chapter, ipinag-diriwang ngayong araw ang ika-70th Anniversary

Ipinagdiriwng ngayong araw ang ika-70th year anniversary Philippine Red Cross–Pangasinan Chapter, isa sa labin limang Provincial Chapter na unang itinatag noong 1947.

Ito ayon kay Raymund Prodon Lim, Blood Donor Recruitment Officer ng PRC-Pangasinan Chapter kung saan gaganapin ito sa Narciso Sports Complex sa bayan ng Lingayen ganap na ika-7:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali.

Sinabi pa ni Lim na inaasahan sa naturang aktibidad ang pitong libo katao mula sa ibat-ibang unibersidad sa lalawigan para makiisa sa “I’am For Humanitary @70” o ang Human Cross Formation

 

Maliban dito, magkakaroon din dito ng booth para sa ibat-ibang serbisyo ng redcross kabilang na ang free blood typing, free lecture demonstration on fist aid and basic life support, hygiene promotion session at iba pa.

Samantala, inaasahan naman ang pagdating ng Chairman ng Philippine Redcross na si Sen. Richard Gordon.

Speak Your Mind

*