Regional Kick-Off Ceremony ng Brigada Eskwela sa Alaminos City, isinagawa

Dinaluhan ng matataas na opisyal ng Department of Education (Deped) ang isinagawang “Regional Kick Off Ceremony” ng Brigada Eskuwela sa Alaminos National High School.

Kabilang na rito si Deped Undersecretary Atty. Alberto Muyot, lahat ng mga superintendent, assistant superintendent at mga Regional Officers ng Deped.

Sa panayam ng Dzrd Sonshine Radio, sinabi ni Darius Nieto, Project Development Officer IV at Information Officer ng DepEd-Region 1 na inaasahan nila ang pagkikiisa ng lahat para sa maisa-ayos at maihanda ang paaralan sa darating na pasukan.

Nilinaw ni nieto na ang isinasagawang Brigada Eskuwela ay voluntary kayat bukas ito sa lahat lalo na sa mga estudyante na gustong tumulong sa paglilinis sa mga silid aralan.

Ngayong taon, ang tema ang brigada eskwela ay “Isang DepEd, isang pamayanan, para sa handa at ligtas na paaralan”.

Speak Your Mind

*