Rocket launchers ng China sa South China Sea idudulog sa bilateral consultative meeting

Tatalakayin umano ng Pilipinas sa gagawing bilateral consultative meeting ang pagtatayo ng China ng rocket launchers sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Magugunitang marami ang nabahala sa hakbang na ito ng China na maaaring magpapalala sa tensiyon sa rehiyon.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, inaasahang dito ipararating ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang concern kaugnay ng rocket launchers ng China sa disputed territories.

Sa nasabing konsultasyon, pag-uusapan ng high-level delegation ng Pilipinas at China kung paano ayusin ang agawan ng teritoryo sa South China Sea.

print

Speak Your Mind

*