Rosaryo, ‘di ipinagbabawal sa mga sasakyan — LTFRB

Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), hindi ipinagbabawal ang mga rosaryo at iba pang kahalintulad na simbolo sa mga sasakyan.

   Ayon sa LTFRB, dapat ay hindi ito nakaharang sa ‘line of sight’ ng driver.

   Sa Biyernes ay maglalabas din ang LTFRB ng memorandum circular para sa regulasyon ng mga signboard sa jeep at bus.

    Sa ilalim ng Anti-Distracted Driving Act (ADDA), mahigpit na ipinagbabawal ang  mga abubot sa dashboard ng sasakyan kabilang na ang rosaryo at dashboard cameras.

    Bawal din sa mga jeep na maglagay ng signboard sa harap ng kanilang wind shield at ang pagpapabawal na maglagay ng makapal na tint sa kanilang sasakyan.

Speak Your Mind

*