Russia, sagot ang 5 days official visit ni Pangulong Duterte

Sagot ng bansang Russia ang lahat ng gastusin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang limang araw na official visit doon.

Ito ang tungkulin ng isang host country base sa presidential protocol at Department of Foreign Affairs protocol office. Liban sa pangulo ay sagot na rin ng nasabing bansa ang accomodation at gagamiting sasakyan ng mga kasama nya sa Moscow. 

Gayunpaman, liban sa inihanda ng host country, ay maari pa ring gumamit ng ibang sasakyan ang Philippine delegation kung nanaisin nito. Sa ilalim ng official visit ay bibigyan ng military honors ang Pangulong Duterte na kakaiba sa working visit.

Ngayong hapon ang nakatakdang lipad ng pangulo mula Davao City patungong Moscow kasama ang delegasyon nito.

Speak Your Mind

*