SALN ni Duterte inilabas na

Inilabas na ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa taong 2016 – kalahating taon matapos manalo sa eleksiyon.

Bahagyang tumaas ang net worth ni Duterte sa P27.42 milyon noong Disyembre 2016, kumpara sa P24.08 milyon nang magsimula itong manungkulan sa puwesto noong Hunyo 30.

Tumaas din ang cash on hand assets ni Duterte ng P18.45 milyon mula P15.31 milyon.

Samantala, sa susunod na linggo naman inaasahang maisasapubliko ang SALN ni Vice President Leni Robredo.

Noong Hunyo 30 ay nasa P11.05 milyon ang net worth ni Robredo.

print

Speak Your Mind

*