Scholarship Program ang OWWA para sa mga anak at kaanak ng OFW, nagpapatuloy

Nagpapatuloy ang scholarship program ang Overseas Workers Welfare Administration o OWWA Region 1 sa mga anak at kapatid ng mga Overseas Filipino Worker (OFW).

Ito ang inihayag ni Justin Paul Marbella, Labor Communications Officer ng OWWA Region1 sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kung saan bukas ito sa lahat ng anak ng OFW na papasok sa grade 12 ngayong S.Y.-2017.

Ayon kay Marbella ang lahat ng qualified na OFW dependent ay maaari pumunta sa pinakamalapit na tanggapan ng OWWA para sa evaluation para sa scholarship program.

Nabatid na ang programang ito ay sa ilalim ng Education for Development Scholarship Program o EDSP.

Speak Your Mind

*