Senado handang buksang muli ang pork probe

Nakahanda si Sen. Richard Gordon na muling buksan ng Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon sa pork barrel scam kapag may bagong ebidensiya sa nasabing scandal.

    Ito ay matapos maabsuwelto ng Court of Appeals (CA) ang sinasabing mastermind ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles sa serious illegal detention case nito.

    Sa ngayon ay pinag-aaralan ng Department of Justice (DOJ) kung maaaring maging state witness si Napoles sa mga bagong pork barrel cases sa gagawing re-investigation ng ahensiya.

    Nagpahayag naman ng kahandaan ang kampo ni Napoles na maging state witness sa pork barrel cases.

    Nailipat na sa Camp Bagong Diwa Detention Center si napoles.

    Bukod kay Napoles, nakakulong pa rin sa pork barrel fund scam case sina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Bong Revilla samantalang pinayagan namang magpiyansa si Sen. Juan Ponce Enrile.

Speak Your Mind

*