Senate Minority pabor na repasuhin ang secret voting system ng CA

Pabor ang Minority bloc sa Senado na i-review ang secret voting sa pagkumpirma o hindi pagkumpirma sa ad interim appointment ng mga Gabinete.

Sinabi ni Senador Bam Aquino na dapat pag-aralan at baguhin ng Commission on Appointments (CA) ang nasabing sistema.

Kasunod ito ng mga lumutang na ispekulasyon kaugnay ng naging botohan sa appointment ni Gina Lopez ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ayon kay Aquino, bukod sa accountability, isyu rin ito sa pagiging tapat at commitment ng mga miyembro ng CA  na isapubliko ang kanilang mga boto.

Speak Your Mind

*