Senior Citizens Recreation Center, iginiit na hindi lang para sa mga senior Citizen

Pinabulaanan ng Office of Senior Citizens Affairs (OSCA) ng lungsod ng Dagupan na hindi naghihigpit sila sa pagpapagamit sa Senior Citizens Recreation Center.

Sa panayam ng sonshine radio sinabi ni Atty. Coenelia Espanol, OSCA President ng Dagupan, na hindi rin totoo na ang nasabing senior citizens building ay “exclusive” lamang para sa mga Senior Citizen.

Sa katunayan aniya ay regular dito ang isinasagawang thai chi, yoga at ballroom dancing.

Maaari din aniyang gamitin ang Senior Citizens Recreation Center sa ibang mga departamento sa pagsasagawa ng conference o meeting kung ito ay may pahintulot mula sa Mayor’s Office.

Ngunit maaari naman aniyang gamitin ng lahat ng mga senior citizens kahit hindi taga dagupan ang kanilang pasilidad sa pag-eehersisyo.

Speak Your Mind

*