‘Sikretong Kulungan’ Pinasisiyasat Sa Oversight Committee Ng CHR, Kongreso

Hinimok ng isang kongresista ang oversight committee ng Commission on Human Rights (CHR) at ng Kongreso na siyasatin ang natuklasang ‘secret jail cell’ sa Manila Police District (MPD) Station 1.

Base sa kanyang House Resolution 950, inirekomenda ni Siquijor Rep. Rav Rocamora na mag-convene ang oversight committee na itinakda ng Anti-Torture Act para imbestigahan ang nasabing usapin.

Gayunman, hindi naman daw dapat na sumentro lamang ang imbestigasyon sa MPD Station 1, kundi pati na rin sa iba pang law enforcement agencies.

Ito ay para alamin na rin kung may iba pang mga nakatagong kulungan sa bansa.

Speak Your Mind

*