‘Single parent’ joke, hindi na umano dapat pang bigyang pansin

Hindi na umano dapat binigyang pansin ang naging ‘single parent’ joke ni Senador Vicente “tito” sotto kay department of social welfare and development secretary Judy Taguiwalo.

Ito ang inihayag ni Iryn Cubangbang, information officer ng dswd-region 1 sa panayam ng dzrd sonshine radio kaugnay sa pagiging single parent o solong magulang ng kalihim.

Ayon kay Cubangbang, may mga tao o indibidual na hindi nakakakilala sa tunay na kalakasan ng isang babae, dahil hindi naman dapat sabihin ang isang bagay na pwedeng nakakasakit sa isang babae.

Marahil hindi umano lubusang kilala ni sen. Sotto si DSWD Secretary Taguiwalo kaya nabitawan nito ang naturang pahayag.

Una rito, naging kontrobersya at binatikos ng marami ang “na-ano” remark ni  Sotto kay Taguiwalo, na ang ibig sabihin ng “na-ano ay nabuntis o naanakan.

 

Speak Your Mind

*