Soberanya ng Pilipinas nanganganib sa joint exploration sa China

Nagbabala si Senior Associate Justice Antonio Carpio sa mungkahing joint exploration sa South China Sea kasama ang China.

Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na bukas siya sa naturang joint exploration kung magiging patas ito at kung makikinabang ang bansa.

Pero ayon kay Carpio, ang naturang hakbang ay nangangahulugan ng pagsuko ng soberanya ng Pilipinas.

Binigyang-diin ni Carpio ang nakalagay sa website ng Chinese Foreign Ministry na kailangang isantabi ang mga territorial at maritime dispute para pumasok sa joint development sa China.

Ang joint exploration ay iminungkahi ni Special Envoy for Intercultural Dialogue Jose de Venecia sa “Belt and Road” forum sa Beijing.

Speak Your Mind

*