SolGen walang kinalaman sa Napoles acquittal

Iginiit ni Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre na walang kinalaman si Solicitor General Jose Calida sa pagkakaabsuwelto ni Janet Lim-Napoles sa kasong illegal detention.

Ani Aguirre, hindi napatunayang may nangyaring illegal detention.

Si Calida ang naghain ng manipestasyon na sumusuporta sa pagpapawalang-sala kay Napoles sa nasabing kaso na isinampa ni Benhur Luy.

Binigyang-diin din ni Aguirre na walang kinalaman ang pagkakaabsuwelto ni Napoles sa mga kinahaharap na kasong may kaugnayan sa pork barrel fund scam.

Speak Your Mind

*