Sotto kakasuhan sa ethics committee dahil sa joke sa single mothers

Maghahain ng reklamo ang grupo ng kababaihan laban kay Senate Majority Leader Tito Sotto.

Ito ay dahil sa ginawang biro ng senador sa pagdinig ng Commission on Appointments (CA) kaugnay ng pagiging single parent ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo.

Matatandaang sa nasabing hearing, binanggit ni Sotto na ang tawag daw sa kalye sa mga tulad ni Taguiwalo ay ‘naano lang,’ na sinundan naman ng tawanan ng ibang dumalo sa hearing.

Kaugnay nito, hinimok din ng grupong Pambansang Koalisyon ng Kababaihan si Sotto na mag-inhibit sa paghawak ng kaso.

Nabatid na bilang Majority floor leader ng Senado, si Sotto rin ang chairman ng ethics committee.

Speak Your Mind

*