Special Recruitment Activity ng CESO Dagupan, tuloy-tuloy

Nakapagsagawa ng tatlundaan siyamnaput dalawa (392) na Special Recruitment Activity ang Dagupan City Employment Service Office (CESO) mula taong 2014-2017.

Ito ayon kay Jocelyn Siapno, City Employment Service Officer ng Dagupan kung saan dalawandaan animnaput lima (265) rito ay sa overseas employment at isandaan dalawamout pito (127) rito ay sa local employment.

Sa pamamagitan aniya ng mga recruitment activity ay natutugunan ang problema ang un-employment hindi lang sa lungsod kundi sa buong bansa.

Bumaba naman na aniya ang un-employment rate ngayong taon base sa huling tala ang Department of Labor and Employment (DOLE) kayat ang focus naman ngayon sa mga bagong graduates na naghahanap ng trabaho.

Ang tinig ni Jocelyn Siapno, City Employment Service Officer ng lungsod ng Dagupan.

Speak Your Mind

*